Hamon sa PNP: Lipulin ang mga pugante

HINAMON ngayon ng Malakanyang ang Philippine National Police (PNP) lipulin sa lalong madaling panahon ang mga pugante sa batas.

Ito ay makaraang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nahuhuli si ret. M/Gen. Jovito Palparan at nadagdag pa sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at Dinagat Rep. Ruben Ecleo Jr.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, hangad din nilang maipakulong ang mga puganteng patuloy na nagtatago sa batas.

Aniya,  hindi naman nila masasabing dismayado sila sa PNP at nauunawaan na mahirap talagang habulin ang mga nabanggit na personalidad.

Si Palparan ay pinaghahanap sa kasong kidnapping sa dalawang mag-aaral, nahaharap naman sa kasong murder si Reyes at parricide naman kay Ecleo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply