Hamonadong aktres take-5 na hindi pa rin makuha ang simpleng eksena

TALAGANG sumuko pala ang mga director at producer ng isang serye rito sa isang hamonadong aktres-aktresan.

Pero mga ala-una na ng madaling araw nakunan ang actress at ang sumunod na mga eksena dahil hirap palang umarte ang naturang aktres-aktresan kahit na sobrang haba ng oras ang inilaan sa kanya nina direk para makabisado ang script.

To the point na halos makiusap na sa kanya ang producer na tapusin na ito dahil puputok na ang araw, hindi pa rin sila matapus-tapos ng aktres asa eksena. Kalurkey ha! Kilala mo ba siya, Roldan F. Castro at Timmy Basil?

oOo

SA TOTOO lang, hindi kami ganun ka-close kay Ara Mina pero sa tuwing makikita niya kami sa kahit na anong event at okasyon, siya ang unang lumalapit para bumati at magbigay galang.

Kaya noong mabalitaan namin ang mga ginawang pambabastos at pangbababoy sa kanya ng nakababata niyang kapatid na si Cristine Reyes, isa kami sa nalungkot at naapektuhan.

Kunsabagay, may kasabihan na kung sinong binababa ay siyang inaangat ng Nasa Itaas. At isang araw, malay natin muling manumbalik ang sigla ng career nitong si Ara Mina.

Well, ang balitang nakarating sa amin ay kung makailang-beses na raw na nagpapadala ng mga text messages itong si Cristine Reyes sa ate niya para mag-sorry pero itong si Ara ay lubos na nasaktan sa mga nangyari at hindi pa niya matanggap ang pagso-sorry sa kanya ng kanyang nakababatang kapatid.

Masyadong personal kasi ang mga atake ni Cristine kay Ara at kahit sino naman siguro ay malabong mapapatawad ang ginawa nito. Dapat ipako sa krus at ipakain sa langgam ang mga kagaya ni Cristine Reyes.

At sa puntong ito’y si Cristine Reyes na rin mismo ang sumira sa kanyang career dahil karamihan ngayon ng mga tao ay na kay Ara Mina ang simpatya kasama na ang inyong lingkod.

oOo

NATAWA lamang ang bida ng “Binatilyo” na si Norris John sa tanong namin kung kamusta na ang nanliligaw sa kanya? Yes, sa halip na tumanggi ang binatilyo sa nasambit na isyu, tumawa lamang ito sabay paliwanag sa amin na magkaibigan lamang daw sila nito.

At kahit na nagpapa-sexy sa isang pelikula itong si Norres John, maganda ang paghubog sa kanya ng kanyang mga parent kasama na dito iyong pari na madalas magbigay sa kanya ng mga spiritual advice.

Dito sa pelikulang Binatilyo, nagtodo-hubo raw ang binatilyo ayom sa kanyang producer na si Boy Pilapil. Aprubado daw ito without cut ng MTRCB. Si Direk Jigz Recto ang nag-direk ng Binatilyo na showing na ngayong May 9, 2012.

Tinanong din namin si Norris John kung virgin pa ba siya sa mga bading? Yes, virgin pa raw siya sa mga jokla at pwede siyang tikman sa tamang panahon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply