Hawks taranta sa 20 assists ni Rondo

HINAWAKAN ni Rajon Rondo ang timon ng Boston Celtics habang minamalas sa shooting Paul Pierce at na-fouled out naman si Kevin Garnett.

Tumapos si Rondo ng triple-double, 20 assists at tig 10 points at rebounds upang ihawin sa overtime period ang Atlanta Hawks, 88-86 sa malapit ng magtapos na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) elimination round kaninang umaga.

Hindi na sana aabot sa OT ang laban subalit dahil sa kamalasan ni Pierce sa shooting ay sinablay nito key jumper bandang kanan.

Nagtala si Garnett ng 22 puntos at 12 rebounds habang si Brandon Bass ay may 21 pts. upang ilista ng Celtics ang 34-24 panalo-talo karta.

Bumakas naman si Pierce ng 14 points, limang boards at apat na assists.

Si Josh Smith naman ang nanguna sa scoring ng Hawks na may tinirang 20 markers, 11 boards at limang assists.

Samantala, sa ibang NBA resulta, kinaldag din sa OT ng Indiana Pacers ang Cleveland Cavaliers, 104-98 habang pinaluhod ng New Orleans Hornets ang Sacramento Kings, 105-96.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply