Heat nakauna sa Knicks

IPINAKITA ni star player LeBron James na handang-handa siyang dalhin ang kanyang koponang Miami Heat sa Finals ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA).

Kumambiyo ng 32 puntos, apat na rebounds at tatlong assists upang bugbugin ng Heat ang walang lakas na New York Knicks, 100-67 kaninang umaga sa NBA playoffs.

”I’m a different player this year, a different person this year compared to last year,” wika ni James. ”I’ve waited to get back to the postseason, prepared myself all season, throughout the offseason to get back to this point.”

Sa first half, uminit agad ang Heat upang iwanan ang Knicks 54-31.

”Our guys had a noticeable look in their eyes the last 24 hours,” sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. ”We wanted to get back to the basics and play to our identity. For the most part, we were able to do that by being aggressive.”

Bumakas din sa opensa ng Heat si Dwayne Wade na may 19 points, three assists at two boards habang pumangatlo si Mario Chalmer na may tinikadang 11 markers at siyam na assists.

Angat ngayon ang Heat sa Knicks, 1-0 sa kanilang best-of-seven subalit ayon kay ace player Amare Stoudemire ay hindi pa tapos ang serye.

”This series is not over,” saad ni Knicks forward Stoudemire na kumana lamang ng nine pts. at limang boards. ”We’ve got to learn from our mistakes today and get ready for Monday.”

Si bench player J.R Smith ang nanguna sa opensa ng Knicks na may ginawang 17 points, four boards at two assists.

”They played really well,” sabi ni Knicks coach Mike Woodson, ”and we played awful.”

An awful 9 minutes for the Knicks decided this one.

Samantala, sa ibang Game 1 resulta sa Eastern Conference, nanaig ang Chicago Bulls sa Philadelphia 76ers, 103-91 habang Orlando sa Indiana Pacers, 81-77.

Sa Western Conference, gabuhok na nagwagi ang Oklahoma Thunder sa defending champion Dallas Mavericks, 99-98.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply