Heat stroke sa mga hayop posible

IBINABALA ng Humane Society International na maging ang mga alagang hayop ay posibleng mamatay dahil sa heat stroke.

Ayon sa Humane Society International, madalas na hindi nakakayanan ng mga hayop tulad ng aso at pusa ang matinding init.

Base sa pahayag ni Dr. Rey Camuta del Napoles, consultant sa Humane Society International, maaaring kapusin ng hininga ang mga hayop dahil sa init lalo pa kung hindi ito kumakain nang maayos na resulta rin ng pagbaba ng kanilang timbang at resistensiya.

Pati aniya mga baboy, manok at isda ay maaaring mamatay dahil sa init ng panahon.

Ilan sa mga sintomas ng heat stroke sa hayop ay hirap sa paghinga, laging nakabukas ang bibig, nanghihina at mabilis na pagtibok ng puso.

Dahil din sa matinding init, maaari ring magkaroon ng respiratory infection ang mga hayop tulad ng sipon at hindi rin sila ligtas sa skin infection.

Upang maiwasan ito, mainam na lagi silang bigyan ng tubig na may yelo, huwag ibilad sa araw at siguruhing may bentilasyon o sapat na hangin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply