Heavy equipment ng construction firm sinunog ng NPA

SINUNOG ng mga pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ng Front Committee 16 ang tatlong heavy equipment ng Runwood Construction and Supply sa Agusan del Norte.

Ayon sa ulat, pinaniniwalaang ang hindi pagbibigay ng revolutionary tax ang posibleng dahilan kung bakit sinunog ang heavy equipment na pag-aari ng negosyanteng si Peter Dy.

Sinabi ni Lt. Col. Ferdinand Napuli, Special Task Force Battalion Commander ng Phil. Army, tinatayang aabot sa 20 armadong kalalakihan ang nagpunta sa Runwood Construction sa Sitio Dakulang Barangay Bangonay, Jabonga Agusan del Norte pasado alas-12:45 ng tanghali kahapon at bigla na lang sinunog ang bulldozer, backhoe at fuel tanker ng naturang kompanya.

Ayaw namang iulat ni Dy kung magkano ang halaga na hiningi ng mga rebelde sa kanya.

Iginiit ng opisyal na hindi nag-report sa kanila ang construction firm na may natanggap itong demand mula sa mga rebelde.

Pero hanggang sa mga oras na ito, wala pang opisyal na pahayag ang mga rebelde kung sila ang responsable sa panununog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply