Hepe, tulog na parak sa US embassy sinibak na

INALIS na sa puwesto ang hepe ng Luneta Police Community Precinct na si C/Insp. Luis Guisic makaraang sugurin ng mahigit 50 aktibista ang harap ng US Embassy sa Maynila, at binaklas ang mga letra sa signage ng embahada bago sinabuyan ng pintura.

Ani MPD deputy director for operations S/Supt. Robert Po, kanila ring kakasuhan ng administratibo si Guisic negligence for command responsibility dahil sa kabiguang rumesponde agad sa insidente.

Sinibak na rin sa puwesto ang pulis na nahuling natutulog sa loob ng patrol car malapit sa US Embassy habang nagaganap ang protesta.

Pinag-aaralan na rin ng awtoridad ang footage ng security camera na kuha sa naganap na kaguluhan para matukoy kung sino-sino ang mga kasama sa nasabing pagkilos.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply