‘Herodes at Hudas’ pinagbibira ni PNoy

HINDI nagpapigil kay Pangulong Benigno Aquino III ang paggunita sa Semana Santa sa kanyang muling pagbatikos sa kanyang mga itinuturing na mga “herodes at hudas” sa pamahalaan.

Sa kanyang pahayag, ipinagmalaki ni PNoy ang reporma na nagawa ng kanyang administrasyon matapos tuldukan ang paghari-harian ng mga mga nabanggit sa kanilang pwesto.

Umaasa naman si PNoy na magsisilbing pampalakas ng loob ang kamatayan ni Hesu Kristo para maipagpatuloy ang mga nasabing nasimulan.

Kasabay nito, nanawagan din ang Pangulo sa lahat na tulad ni Kristo, magiging kaakibat sana ng panata ang pagtutok sa mga kapakanan ng mga nangangailangan at kung ano ang tama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply