High school student nakuryente sa Ilocos Norte, patay

NASAWI ang isang high school student makaraang makuryente sa Ilocos Norte.

Nabatid na nakuryente si Richard Padron Castillo, 17, ng Brgy. Capangdanan, Bantay, Ilocos Sur matapos utusang ayusin ang linya ng kuryente sa kanilang barangay kasama ang ilang kapitbahay, bilang paghahanda sa pagbisita sa lugar ni Gov. Luis Chavit Singson.

Aksidente umanong nahawakan ng biktima ang isang live wire, dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Sa lakas umano ng boltaheng pumasok sa katawan ni Richard, mistulang nasunog ang biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply