Hiniya sa tagayan, pumatay ng kainuman

BUNGA ng kahihiyan, pinagsasaksak ng isang lalaki ang kanyang kainuman matapos mairita  nang sabihan siyang  walang pambayad sa kanilang iniinom na alak sa isang KTV Bar sa Ramirez St. Novaliches Proper, Quezon City sa ulat ng pulisya kanina.

Namatay habang nilalapatan ng lunas, alas-12:00 ng hatinggabi sa Novaliches District hospital ang biktimang si Roberto Manalastas Jr., 23, ng 74 Ramirez St ,Brgy. Sta. Monica, Novaliches, bunga ng tinamong tama ng saksak sa kaliwang kili-kili.

Nadakip naman ang itinuturong suspek na si Dominador Manluluy-on, 41, ng  47 Lot 25, Brgy, Kaila, Antipolo City .

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente alas-11:00 ng gabi nitong Abril 15, 2012, Linggo sa isang KTV bar sa Ramirez St. Novaliches.

Nabatid sa kapatid ng biktima na si Vergil Manalastas, kasama niya ang kanyang kapatid  at isang kasamahan na si Dennis Paul Domingo sa nasabing inuman sa loob ng KTV bar.

Mayroon umanong nagyaya sa kabilang mesa na tumagay ang biktima bagay na pinagbigyan nito at nang maubos ang ibinigay na isang boteng beer ay may lumapit na waitress sa suspek at sinisingil siya sa ininom na alak.

Ngunit nagkataon umanong kinapos ng pambayad sa kanyang ininom ang suspek at narinig ito ng biktima bago sinabihan ang una ng “iinom-inom ka wala ka palang pambayad, pati ako idadamay mo pa.”

Dahil dito, nag-init umano ang ulo ng suspek at lumabas ng KTV bar pero pagbalik ay may hawak ng patalim saka inundayan ng saksak sa kili-kili ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply