Hintuturo ng matadero, sinagpang ng kakataying baboy

SIYAM na lamang ang daliri sa kamay ng isang matadero nang sakmalin ng kakataying baboy ang kanyang hintuturo (point finger) sa Aklan kaninang madaling araw.

Isinugod sa Aklan Provincial Hospital (APH) pero hindi na naisalba pang idugtong ang kanang hintuturong daliri ng biktimang si Benjie Zapico, 38-anyos ng Barangay Tinigao, Kalibo.

Dahil naman sa pangyayari, hindi naman muna itinuloy ng may-ari ng slaughterhouse na ayaw magpakilala ang pagkatay sa naturang baboy.

Sa ulat ng Kalibo PNP, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa isang katayan ng baboy sa Barangay Tinigao.

Bago ito, hinahanda ng biktima ang pagkatay sa baboy pero nang hawakan niya ito para tarakan ng kutsilyo sa leeg ay bigla itong nakawala at nang pigilan niya ay kinagat siya sa kamay.

Nang hugutin naman ni Zapico ang kanyang daliri ay tuluyan na itong naputol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply