Hirit na biometrics ni GMA tuluyang ibinasura

TULUYAN na ngang ibinasura ng korte ang kahilingan na makapagpa-biometrics si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para sa pagboto nito sa darating na halalan.

Ayon kay Felda Domingo, tagapagsalita ng Pasay Rional Trial Court (RTC) Branch 112, ito’y pagkaraang ikonsidera ni Judge Jesus Mupas ang pagtutol ng Commission on Elections (Comelec) laban dito.

Kinonsidera ng korte ang abala na idudulot sa paghahatid at availability ng biometrics machine na gagawin ng Comelec.

Mismong ang Comelec din aniya ang nagsabing hindi mandatory ang biometrics sa pagboto ni Arroyo.

Naniguro rin ang Comelec sa kortena hindi magiging problema sa pagboto ni Ginag Arroyo ang isyu ng biometrics kung hindi man niya ito magagawa.

Pero nanindigan si Atty. Ray Montri Santos, abogado ni Gng. Arroyo na mahalaga sa kanilang kliyente ang pagpapa-validate sa biometrics.

Ayon kay Santos, ito ay para maiwasan na magamit ng mga kritiko ng dating Pangulo ang usapin.

Sa pagtatanong naman ng media kung may balak na si Gng.. Arroyo na tumakbo sa 2013 election, wala pang pahiwatig na tatakbo ito.

Nung Abril 12, una nang pinayagan ni Judge Mupas na sa VMMC na lamang gawin ng dating Pangulo ang biometrics, matapos na hindi nya payagang gawin ito sa Lubao, Pampanga.

Samantala, sa pagdinig sa petisyong makapagpiyansa ni Arroyo, Atty. Lintang Bedol, at Andal Ampatuan Sr. ngayong araw, muling sinalang sa witness stand si Jehan Nur, ang pampitong testigong iprinisinta ng Comelec na isang election officer ng bayan ng Ampatuan noong mangyari ang 2007 election.

Nais patunayan ng Comelec sa pamamagitan ng kanilang testigo ang direktang nalalaman nito bilang administrative officer ni Ampatuan noon kung san nasaksihan niya kung paano winala ni Bedol ang mga isinumite nilang original na resulta ng municipal certificate of canvass at statement of votes para maitago umano ang ginawang tampering sa resulta ng eleksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply