Hiwalay na imbestigasyon ng Ombudsman vs Corona malabo pa

HINDI napapanahon ang hiwalay na imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa mga alegasyon laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ang binigyang diin ni Senador Miriam Defensor Santiago dahil na rin sa patuloy na pagdinig sa kasong impeachment laban dito.

Ani Santiago, posibleng maging komplikado pa ang isinusulong na kaso ng Ombudsman kung hindi hihintayin na matapos ang impeachment proceedings.

Nauna rito, pinagpapaliwanag na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Corona sa $10 million na bank accounts nito.

Kasabay nito, binigyan pa ng Ombudsman ang punong mahistrado na maghain ng kanyang paliwanag sa loob ng 72 oras.

Gayunpaman, umaasa  si Santiago na hihintayin muna ng Ombudsman ang resulta ng impeachment case.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply