Hog Raisers Summit inisnab ni PNoy

MAKARAANG isnabin ang Hog Raisers Summit na ginanap sa Mandaue City, Cebu ay ipinagtanggol ngayon ni Agriculture Sec. Proseso Alcala si Pangulong Benigno Aquino III

Anang kalihim, hindi inisnab ni PNoy ang pulong dahil siya naman talaga ang inatasan ng pangulo na makipagpulong sa mga ito para sa masolusyunan ang mga iniindang problema.

Sa katunayan aniya, patuloy ang negosasyon ng Department of Agrilculture (DA) sa pag-export ng frozen pork sa Malaysia, Middle East, Japan at frozen na manok sa South Korea.

Kaugnay nito, sa mga susunod na linggo ay pupulungin ng kalihim ang mga kinatawan ng hog at poultry raisers industry kasunod na rin ng talamak na smuggling ng karneng baboy kung saan daan-daang mga botcha na ang nakumpiska ng mga awtoridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply