‘Holdaper’ itinumba ng apat sa Malabon

PATAY ang pinaghihinalaang holdaper matapos pagbabarilin ng isa sa apat na hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay naglalakad papauwi sa Malabon City kagabi (Biyernes, Abril 20).

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Celso Cantonjos, 23 ng Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9 kagabi, naglalakad ang biktima sa Dulong Hernandez St., Catmon ng habulin ng mga suspek.

Nang makorner ay isa sa mga suspek ang umupak sa biktima bago tumakas.

Ayon sa kaanak ng biktima, ilang araw bago ang insidente ay apat na lalaki ang umaaligid sa kanilang bahay kung saan usap-usapan sa nasabing lugar na sangkot si Cantonjos sa panghoholdap at pagpatay sa lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply