Holdaper na drug pusher pa, tigok sa boga

HINALANG niresbakan o onsehan sa droga ang motibo sa pamamaslang sa isang maton na sangkot sa mga kaso ng panghoholdap at pagtutulak ng droga nang itumba ng hindi nakilalang salarin sa mataong lugar sa Baclaran, Parañaque city

Naisugod pa sa San Juan De Dios Hospital si Nelson Bonafe, alyas Aso, 39, ng Blk 11 Dulo Don Carlos, Pasay City subalit namatay rin habang nilalapatan ng lunas sanhi ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng leeg na tumagos sa noo.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ryan Buccat ng Investigation and Detective Management Section ng Parañaque police, nangyari ang pamamaril alas-3:30 ng hapon sa kanto ng Bagong Sicat at Sitio San Juan St., sa Baclaran habang nakatayo sa harap ng isang establisimiyento ng biktima.

Bigla umanong lumapit mula sa likuran ang nag-iisang suspek at pinaputukan nang malapitan sa likurang bahagi ng leeg ang biktima bago nagmadaling tumakas patungo sa hindi nabatid na lugar.

Ayon kay Buccat, nahaharap sa mga kaso ng panghoholdap at pagtutulak ng ilegal na droga si Bonafe sa Pasay City kaya posibleng may kaugnayan sa onsehan sa droga o nabiktima niya sa panghoholdap ang pagpatay.

Ikinaila naman ng kalive-in ni Bonafe na si Liza Aberiza ang akusasyon at sinabing wala siyang alam na nahaharap sa anumang kaso ng panghoholdap o pagtutulak ng droga ang kanyang kinakasama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply