Holy Week: 17 patay, 62 sugatan, 2 nawawala

TINATAYANG 17 na ang naitatalang nasasawi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) habang 62 naman ang sugatan sa paggunita ng Semana Santa.

Sa 8:00 a.m., April 9 report ng NDRRMC, 17 na ang nasasawi na kinabibilangan ng 10 kataong nalunod, tatlo naman sa sunog, samantalang ang isa naman ay namatay sa maritime incident.
Kabilang din sa pinakasariwang balitang nasawi ay sina Carlo Waggay Garcia, 9, nalunod sa San Gabriel, La Union noong Holy Saturday bandang 11:15 a.m.; Mark Anthony Talban, 19, nalunod sa Anilao Beach Resort, Batangas noong Biyernes Santo; Abraham dela Cruz, 33, barangay captain ng San Manuel, Tarlac, nasawi noong Linggo, sa isang vehicular accident; Andy Gramo, 40, natagpuan na palutang-lutang sa Barangay Suqui coastal area sa Calapan City, Mindoro Oriental noong Easter Sunday.

Nabatid na 62 ang sugatan habang dalawa pa ang nawawala.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply