Hulidap, lokong manpower agency, dugyot na ospital

NAGDEKLARA tayo ng tigil-putukan ngayon sa ating mga pinupuna bilang paggalang sa Semana Santa.

Ngunit ang ating mga mambabasa ay hindi maawat sa pagpapaputok kaya bigyan natin sila ng pagkakataon na maihayag nila ang mga sarili nilang kaisipan, karanasan at puna.

MAYAYABANG NA LINEMEN

Sir Benny, nakikiusap po ako. Paki-publish naman itong message kong matagal ko nang tine-text sa kolum mo. Gusto ko lamang pong ipaalam na mga buwaya at mayayabang ang mga lineman ng NEECO 2 sa Guimba, Nueva Ecija. Mayayabang po sila porke mahihirap kami. Paano naman kaming mga mahihirap? Dapat pantay-pantay ang trato nila sa mga consumer ng kuryente. Sir Benny, huwag n’yo na lang ilagay ang cellphone number ko. Salamat. +63946654….

HULIDAP SA PNP-GALAS, QC

‘Yung mga pulis po ng follow-up section ng Galas Police Station 11, Quezon City ay sunod-sunod ang ginagawang panghuhuli sa mga drug pusher lalo na rito sa Brgy. Tatalon. Wala naman pong ipinakukulong nang tuluyan. Noong nakaraan, isang alyas Jaypee Pilay ang hiningan lang ng pera. Kamakailan, sa kanto ng Jollibee Araneta, isang Jayson Capulong naman na marami na ring kaso, bukod sa drugs gaya ng holdap at snatching, ang hinuli. Hiningan din nila ng pera. Walang nakakasuhan! +63921580….

PANAWAGAN KAY PNOY

Noynoy, asikasuhin mo ang sinasabi mong Boss mo. Ang mga Boss mo ay nagpapakamatay, kasama ang kanilang mga anak dahil sa sobrang gutom. +63923448….

WALANG BATAS

Dear Benny, dito sa Project2/3 ay walang batas na umiiral. Lahat ng kalsada rito ay ginawa nang garahe lalo na rito sa Pajo Kanan at sa Narra St. Dito nakagarahe ang mga jeep na pampasahero, dito sila nagkukumpuni ng mga sira nilang jeep at wala pang paggalang sa batas trapiko. Nagbababa at nagsasakay sila sa gitna ng kalsada. +63920429….

MANLOLOKONG AGENCY

Ginoong Antiporda, pakitutukan naman po ‘yung mga nanloko sa aming agency, ang Javier Manpower Int’l Services. Ang mga pangalan nila ay Leony Laforteza, Cecille Yabut, Allan Chua Garbozo at isang alyas Mike at ito ang mga numero nila: 09494319337, 09264716035, 09106160727 at 09065879600. Ito’y para maalarma ang taumbayan at ‘di na sila makapanloko pa. Nag-ooperate pa sila hanggang ngayon. NBI, PNP at POEA, pakitugis po ang mga ito. +63905732….

EAST AVENUE HOSPITAL DUGYOT

Good am. Isa po ako sa mga pasyente ng East Avenue Medical Hospital sa Quezon City. Puna ko lang, bakit sa dami ng pasyente ay iisa lang ang CR at bowl? Barado pa! Dugyot pang tingnan dahil walang daluyan ng tubig lalo na rito sa Ward 1. +63927472….

12 YEARS NA WALANG SSS

Good pm, Sir Benny. Nais ko lang pong iparating sa inyo ang aking reklamo. Tungkol ito sa aking pinapasukang kompanya. Almost 12 years na po akong namamasukan sa kanila mula noon hanggang ngayon, wala pa rin kaming benefits tulad ng SSS at PAGIBIG. ‘Yung sahod namin, wala sa minimum. Isa pa po, yung negosyo po nila ay iligal, hindi po sila nagbabayad ng tamang buwis, puro lagay lang diyan sa mga tiwaling empleyado ng gobyerno ang kanilang ginagawa.  Sana po, mabigyan ng pansin o aksyon ito (‘Di po ninyo pinangalanan ang inyong kompanya). +63947710….

WAGE HIKE NA WALANG INCREASE

Good pm, sir. May balita na magkakaroon ng wage increase sa Bikol. Matagal na po ako sa security agency. P150 ang pasahod ng agency. Panawagan namin sa DOLE director ng Bicol. Sana may balita kayo sa wage increase. Mag-aantay ako kung magtataas ng sahod namin, sir. ‘Di ka namin tatantanan na bulabugin sa radyo, tv at diaryo, lalo na sa ULTIMATUM. Salamat po. +63946313….

SIYAM-SIYAM SSS ID

Sir, magandang araw. Tanong ko lang po: bakit hindi pa dumarating yung SSS ID na inaplayan namin? Matagal-tagal na po pero wala pa. Meron po bang problema sa main office? +63922442….

PAYAG SA BITAY

Magandang gabi, sir. Papayag ako na ibalik ang death penalty para matakot sila na gumawa ng krimen. +63948629….

NAGLALANDI MUNA BAGO MAGPATAYA

Good pm, sir. Gusto ko lang pong iparating ito sa dalawang cashier ng Lotto outlet sa Barangay Barretto, Olongapo City. Inuuna pa po nila ang makipaglandian sa tindero ng siomai na kalapit nila kaysa unahin ang mga naghihintay na mananaya. Kaya po ‘di umaasenso ang bayan ni Juan. +63933658…

TUGON SA TEXTER

To the texter asking where PH’s natural gas is. the consortium, led by Royal Dutch Shell, that owns the Malampaya gas field has no intention to propagate widespread use of natural gas in the Philippines. There is no money in LNG/CNG. Under the 7-year pilot phase of the natural gas program, CNG costs P14/liter. Only 200 buses are allowed under the NGV Program. Shell does not expect to recover the high investment cost to put up CNG infra. Without Shell’s sincere/committed support, there is no way the NGV industry will take off here. +63927801….

BAGAHE MAHAL SA 5-STAR BUS

Sir, isa po akong mananakay ng 5-star bus co. Reklamo ko po na ubod ng mahal ang bagahe. Sa isang sako na 50 kilos, P250 ang bayad. Wala ring magandang sistema. +63921381….

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply