Hungarian president Schmitt nag-resign

BUMABA sa puwesto si Hungarian President Pal Schmitt.

Nag-ugat ang pagbibitiw ni Schmitt nang manawagan ang kanyang mga kritiko na bumaba siya sa puwesto matapos bawiin ang doctoral degree niya dahil sa kinopya umano niya ang kanyang thesis noon.

Ayon sa ulat minabuti ni Schmitt na mag-resign kung magiging sanhi lang ng pagkakawatak-watak ng kanyang bansa ang nasabing isyu.

Gayunman, iginiit ni Schmitt na malinis ang kanyang konsiyensya.

Handa rin aniya siyang patunayan sa korte na hindi kinopya ang kanyang thesis.

Nitong Enero ngayong taon, kumalat ang balita na malaking bahagi ng thesis ni Schmitt ay kinopya lang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply