Huwag matakot sa Tsina

ANG pag-atras ng mga barkong Tsino sa West Philippine Sea previously known as the South China Sea ay patunay lamang na hindi dapat katakutan ang China.

Ganunpaman, alam kong hindi rin naman titigil ang China sa paulit-ulit na pagtatangka nitong pasukin ang karagatang pag-aari ng Pilipinas. Baka matakot ang Pinas at isuko na ang malaking portion ng West Philippine Sea.

Ang sabi nga ng mga maka-kaliwa noong dekada 60s, huwag matakot; makibaka. Siyempre, ang mga makakaliwa ngayon ay hindi na ginagamit ang mga katagang ito. Lalo na ngayong may ambang digmaan sa pagitan ng China at Pinas.

Sa mga nagmamahal sa terri-torial integrity natin, ito rin ang dapat nating sabihin sa patuloy na pang-aasar ng Tsina sa atin: Huwag matakot, makibaka.

Kung tutuusin ay walang laban sa atin ang Tsina sa hidwaang ito, lalo na kung susuriin ang history ng China sa larangan ng digmaan. Ang Tsina ay laging talo sa giyera. Ang kaya  lang  niya  ay  ang maliit na Mongolia at wala nang iba pa.

Ni hindi nga malusob ng China ang Taiwan na isang maliit na isla lamang. Nakuha nga ng China ang Hong Kong pero yan ay dahil lang sa kagandahang loob ng Britain.

Bakit tayo matatakot sa Tsina maski na marami siyang mga sun-dalo at armas? Ang dami ring armas ang kapailigiran natin tulad ng US, Britain, Australia, Japan at ang mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) kahit na ba sila ay may sariling pag-aangkin sa karagatan ng Pilipinas.

Ang kakampi lamang ng China ay ang North Korea na kapalmuks dahil nabubuhay ang bansang iyan sa libreng pagkain na bigay ng Amerika. Ni hindi nga makapagbigay ang China ng food security sa North Korea.

War of nerves daw ang nangyayari sa South China Sea dispute. Pero para sa akin,  panahon na upang magbarikada ang Pinas sa West Philippine Sea laban sa China.

Panahon na rin upang pau-wiin na ang Chinese ambassador dahil sa pananakot nito sa Pinas.

Panahon na rin upang itigil na ang pakikipagkalakalan sa Tsina na ang mga produkto ay peke, walang kalidad, puno ng graft and corruption katulad ng ZTE, at mga pagkaing nakamamatay pa. Tingnan ko lang kung sino ang unang magugutom at maghihirap. Pag naghirap ang Tsina, bagsak agad ang North Korea. Patay agad sila sa gutom.

Kaya huwag tayong matakot sa Tsina. Makibaka; huwag matakot!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply