Huwag munang intrigahin ang power crisis sa Minda

‘WAG naman sanang intrigahin muna ang nagaganap na power crisis sa Mindanao.

Nakararanas kasi ng tatlo-10 oras na rotational brownout sa bawat araw ang ilang lugar sa Mindanao dahil sa kakulangan po ng suplay ng enerhiya sa rehiyon.

Kaya naman dagliang nagpatawag ng Energy Summit ang gobyerno para humanap ng panandalian at pangmatagalang solus-yon sa problema.

Sa harapan mismo ng mga pribadong sektor at lokal  lider sa rehiyon na dumalo kamakailan sa summit ay inilatag ni Pang. Noynoy Aquino nang walang halong pambobola ang mga kailangang gawin para tuluyang masolusyunan ang problema sa kakapusan ng suplay ng enerhiya.

Kilala sa pagiging matapat si Aquino kaya naman ipinaalam at sinabi n’ya sa harap ng publiko na kailangan ang mga bagong planta ng enerhiya sa ilalim ng pangangasiwa ng pribadong sektor. Nakalulungkot lang isipin kung minsan ang matapat na katotohanan ay sinasabotahe ng kasinungalingan ng mga taong kontra sa mungkahi na hind nila gusto.

Sa harap kasi ng pahayag ng Pangulo na kailangang mag-sakripisyo rin ang publiko sa pamamagitan ng dagdag na bayarin sa kuryente, may nagkalat naman ng maling impormasyon na aabot sa P14 per kilowatt hour ang magiging dagdag  na singil sa kuryente.

Ang naturang impormasyon kasi ay masyadong malayo sa nakalap na impormasyon ni Aquino na mayroon nang ilang kooperatiba na nagbabayad ng karagdagang P.50-P.60 per kilowatt hour. Kaya naman kung magkakaroon ng mga bagong planta, imposibleng aabot sa P14 per kilowatt hour aabutin ang dagdag na bayarin.

Ang pagkakaroon ng mas malaking demand ng  Mindanao sa enerhiya ay indikasyon ng pag-unlad.

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 0918927-4764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply