Huwag munang magsaya — NDRRMC

WALA pang dapat ipagdiwang ayon sa National Disaster Rick Reduction Management Council (NDRRMC) kaugnay sa pumalpak na rocket launch ng North Korea.

Ayon sa NDRRMC, kumukuha pa sila ng iba pang detalye sa pumalpak na rocket launch ng NoKor.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos, na hindi dapat mag-relax o magsaya dahil kinukumpirma pa nila kung ang bumagsak sa karagatan ay ang rocket missile mismo o booster lamang nito.

Ipinaalala naman ng Malakanyang sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na manatiling alerto at vigilant kaugnay sa posibleng banta sa kalusugan ng rocket missile ng North Korea.

Binigyang diin ni Presidential Communications Operations Head Herminio Coloma na pangunahing concern ng Palasyo ay ang kaligtasan ng mga Filipino.

Inaasahan ng Malakayag na masusing imo-monitor, partikular ng NDRRMC ang naturang usapin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply