Huwes sa Globe Asiatique case pinatutuluyan ng CA

PINATUTULUYANG kasuhan ng Court of Appeals ang huwes na may hawak sa kaso ng Globe Asiatique.

Ito ay matapos ipawalang bisa ng korte ang writ of preliminary injunction na inilabas ni Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 167 Judge Rolando Mislang laban sa nakatakda sanang pagsampa ng kaso ng Department of Justice (DoJ) sa may-ari ng GA na si Delfin Lee.

Ayon sa CA 17th Division na pinonente ni Justice Franchito Diamante,  nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan sa panig ni Mislang nang kanyang harangin ang pagsasampa sana ng kasong syndicated estafa kay Lee.

Sa order noong Setyembre 2011, sinabi ni Mislang na layunin ng nasabing injunction na pigilang magkaroon ng irreparable damage sa panig ni Lee kapag naituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya kung saan hindi siya maaaring maghain ng piyansa.

Nag-ugat ang usapin matapos ireklamo ang Globe Asiatique na kumita ng P6.5 bilyon sa mga maanomalyang loan sa Pag-IBIG Fund gamit ang “ghost” borrowers at pekeng dokumento.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply