Hydro plants na ibebenta magiging mitsa ng giyera- NAPOCOR

POSIBLE umanong mag-aklas ang Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) kung matutuloy ang balak na pagbebenta sa Agus-Palangui hydro power plants. Ito ang pahayag ng mga dati at kasalukuyang empleyado ng National Power Corporation (NAPOCOR) ngayon.

Ayon sa grupong “Buhayin ang NAPOCOR, Atin ‘To (Banat),” tutol ang dalawang grupo sa nasabing bentahan ng hydro plants.

Mas nais umano ng MILF at MNLF na i-rehabilitate ang dalawang power plants na siyang pinagkukunan ng mababang halaga ng kuryente sa Mindanao.

Matatandaang ilang buwan nang nagkakaroon ng malawakang brownout sa Mindanao.

Isinisisi ito sa ‘climate change’ na nakaaapekto umano sa nasabing mga hydro plant.

Ayaw namang magkumento dito ni Environment Secretary Ramon Paje.

Ani Paje, ginagawa ng kanyang opisina ang lahat upang maging handa ang bansa sa pagbabago ng klima ngunit kalikasan na ang kalaban dito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply