Ikaw na Bryant!

PINUTAKTE ng malas si Kobe Bryant sa opensa subalit siya pa rin ang dahilan kung bakit nanalo ang Los Angeles Lakers laban sa New Orleans Hornets kaninang umaga.

Sablay sa unang 15 tira ang star palyer ng Lakers na si Bryant subalit sa huling 20 segundo sa fourth canto ay sinalpak nito ang pamatay na three-pointer upang hablutin ang 88-85 panalo sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

“There’s always time to redeem himself,” saad ni Hornets guard Jarrett Jack.

“Nobody’s even going to talk about those first three quarters. They’re going to talk about that last shot he made to put his team over the top.”

Tumikada ng malagim na 3-of 21 sa field goal sa Bryant upang tumapos ng 11 puntos, limang assists at tatlong rebounds.

“I’m stubborn. You have to have that kind of attitude, that kind of determination or stubbornness,” ani Bryant. “That’s what gets teams over the hump to win multiple championships.

Bago naisalpak ni Bryant ang winning three-pointer ay 0 of 7 muna ito sa loob ng 39 minutong paglalaro.

“If I were to miss that shot, everybody would have killed me.” sabi pa ni Bryant.

Si Pau Gasol ang nanguna sa opensa ng Lakers na may tinarak na 21 points, 11 boards at tatlong assists habang sinudan siya ni Andrew Bynum na may 19 markers at 10 rebounds.

Umibabaw si Jack sa Hornets matapos itong kumana ng 18 markers at 10 assists habang bumakas naman si center Jason Smith ng 17 puntos at 10 boards.

Samantala, umariba ang San Antonio Spurs kontra Indiana Pacers, 112-103 habang tinambakan ng New York Knicks ang Cleveland Cavaliers, 91-75.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply