Ilang cosmetic products mula Taiwan, China nadiskubreng may mercury

NADISKUBRENG nagtataglay ng mercury ang ilang cosmetic products na ibinebenta sa Sta. Cruz Maynila na galing sa Taiwan at China.

Sa ikinasang random testing ng Food and Drug Administration (FDA), Buklod Tao at EcoWaste Coalition (EWC) nagpositibo sa mercury at iba pang toxic materials ang ilang panindang cosmetic products sa nasabing lugar.

Ayon sa EcoWaste, delikado ang mercury at iba pang kemikal dahil posibleng magdulot ng sakit sa balat at kung madalas na ginagamit ay pwedeng makaapekto sa utak at kidney.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply