Ilang gamit ng IED narekober malapit sa resort sa El Nido

NAKAKUHA ang mga imbestigador ng ilang gamit ng improvised explosive devise (IED) malapit sa isang resort sa El Nido, Palawan na iniuugnay na may kinalaman sa El Nido blast.

Ayon sa ulat ngayong umaga ni National Disaster Risk Reductiona and Managment Council (NDRRMC) Exectuive Director Benito Ramos, batay umano sa full blast investigation sa pangunguna ng joint elements ng bomb disposal unit ng Palawan Police Office at Palawan Crime laboratory sa ilalim ni C/Insp Mary Jane Cordero, nakuha sa crime scene ang sumusunod mga positive at negative terminal ng nine volts Eveready battery, metal case ng battery, metal case ng cellphone, leg wire, pink at yellow plastic bags na ginamit bilang container ng IED.

Wala pa namang resulta ng imbestigasyon ang pulisya kung sinong grupo ang nasa likod at motibo sa naturang pagpapasabog.

Maaalala na dakong alas-5:30 ng hapon nangyari ang pagsabog sa harapan ng Entalula Beach Resort na nasa Zone 3, Brgy. Masagana, El Nido na ikinasugat ng isang katao.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply