Ilang karatig-bansa nais sumali sa Balikatan exercises

NAIS lumahok ng ilang karatig-bansa sa Asya sa Balikatan exercises ng tropa ng Amerika at Pilipinas.

Mismong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagkumpirma nito ngayong araw.

Ayon sa AFP, kabilang sa mga bansang gustong sumali sa joint military exercises ay ang Japan, South Korea at iba pang bansa na may karanasan sa mga kalamidad.

Nais umano ng mga nabanggit na bansa na ibahagi ang mga kaalaman nila, lalo na sa disaster response.

Muling nilinaw ng AFP na hindi ito paghahanda ng Pilipinas laban sa China sa gitna ng tensyon sa Scarborough Shoal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply