Ilang matataas na opisyal ng BuCor pinakakasuhan

PINASASAMPAHAN ng Department of Justice (DOJ) ng kasong administratibo ang ilang matataas na opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay sa mga umano’y anomalya sa New Bilibid Prisons (NBP).

Kabilang sa sinasabing anomalya ay ang umano’y pag-iwas sa bidding, pagbibigay ng VIP-treatment sa mayayamang preso at iba pang mga kwestyunableng transaksyon.

Kasama sa mga pinakakasuhan ng grave misconduct, serious dishonesty at gross insubordination ay si BuCor Chief Gaudencio Pangilinan at iba pang opisyal kasama na ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee.

Hindi pa naman natatanggap ng Malakanyang ang report ng DOJ.

Bagama’t itinatanggi ang mga bintang, iginiit naman ni Pangilinan na handa siyang sundin anuman ang magiging desisyon ng Malakanyang sa report ng DOJ.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply