Ilang opisyal dapat sibakin ni Noynoy

LUMABAS na rin ang totoong sentimyento nang taumbayan hinggil sa gusto nilang gawin ng pamahalaang Aquino.

Lumitaw kasi sa resulta nang pinakahuling survey ng Pulse Asia na hindi hapi ang mga mamamayan sa ginagawa ng tropa ni Pangulong Noynoy sa larangan ng ekonomiya lalo na sa paglaban upang mapanatiling mababa ang presyo ng mga bilihin.

Kuwarenta porsyento lang kasi ang nakuhang grado ni Pang. Noynoy sa aspetong ito at sa madaling salita ay bagsak siya.

Sa survey na isinagawa noong Pebrero 26 hanggang Marso 9 na may 1,200 respondents ang harapang tinanong, lumalabas na 68 porsiyento din ang mas gusto na bigyang pansin ng pamahalaan ang paglaban sa inflation. Hindi rin aprub sa mga tao ang ginagawa ng gobyerno tungkol sa job creation dahil umiskor lang ito nang 41% at bumagsak din sa usapin ng pagbibigay ng mataas na suweldo dahil 35 percent lang ang umaprub dito.

Maliwanag na lumilitaw sa resulta ng survey na bagama’t pasado sa ibang aspeto ng governance ang administrasyong Noynoy gaya halimbawa ng paglaban sa katiwalian, bagsak naman ito sa larangan ng “poverty reduction initiatives.”

Hindi dapat balewalain ni Pang. Noynoy ang resulta ng survey sapagkat ito ang mga isyung totoong malapit sa bituka at sikmura ng mga ordinaryong mamamayan.

Malamang kasi na rito siya timbangin at hatulan ng mga mamamayan pag dumating na ang sandali na bababa na siya sa kapangyarihan sa 2016.

Sa huli kasi ay itatanong sa kanya ng taumbayan kung ano ang mga nagawa niya para baguhin at paunlarin ang buhay ng mga ordinaryong mga mamamayan.

Nagawa ba niyang mabigyan ng disenteng trabaho, tirahan at mapag-aral ang mga anak ng milyon-milyon nating mahihirap na mga kababayan?

Ang maganda sa mga survey ay nabibigyan nila ng guide ang ating mga pinuno upang mapag-aralan at maplano ang mga susunod nilang mga hakbang.

At base sa resulta nang pinakahuling survey na ito, dapat sigurong mag-isip na si Pangulong Noynoy at sibakin na kung kinakailangan ang mga tinatawag na non-performing officials ng kanyang pamahalaan.

Puwede niyang gawin ang sibakan habang may panahon pa at hindi pa huli ang lahat.

Pero magagawa lang niya iyon kung talagang desidido siyang mag-iwan ng magandang legacy ang kanyang pamahalaan, na kung saan ang totoong interes ng mas maraming mahihirap nating mga kababayan ang kanyang ipinaglaban at hindi ang interes ng
iilang mayayaman.

Magawa kaya niya?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply