Imbitasyon ng Pinas sa int’l tribunal ibinasura ng China

WALA nang pag-asang magkaharap ang China at Pilipinas sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) upang plantsahin ang gusot sa Scarborough Shoal matapos ibasura ng una ang imbitasyon ng Pinas.

Ito ay makaraang igiit ng China na nilabag ng Pilipinas ang maritime law sa pakikipag-agawan sa kanila sa Scarborough Shoal.

“We believe it runs counter to historical facts and violates the law,” ani Liu Weimin, tagapagsalita ng Foreign Ministry ng China.

Ani pa ni Liu, nilalabag ng Pilipinas ang international law sa pamamagitan ng paggamit ng UN convention para angkinin ang teritoryong tinatawag na Huangyan island ng mga Chinese.

Nagkaroon ng tensyon ang Pilipinas at China nang mahuli ng Philippine Coast Guard ang ilang Chinese fishing vessel sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply