Importasyon ng baka mula sa California ipinahihinto muna

HINILING ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na magkaroon ng pansamantalang ban sa importasyon ng karneng baka mula sa California, USA habang umiiral pa ang mad cow disease doon.

Aniya, habang nagsusumikap ang Estados Unidos na makontrol ang paglala ng mad cow disease sa California ay patuloy naman ang Department of Agriculture (DA) na mag-import ng karne mula sa Estados Unidos.

“The administration’s bias for the interest of US profit is so blatant that it is willing to put us at risk for it. South Korean retailers already suspended sales of US beef, saying they would wait to see what action the government takes. But is Malacañang waiting for someone to be infected here before it will take action?” ani Casino.

Mas mabuti na rin aniya na ligtas ang sambayanan kaysa naman sa huli ang pagsisisi.

Una nang tinuligsa ni Casiño, chairman ng Small Business Enterprises Development Committee, ang patuloy na importasyon at malawakang smuggling ng karne na posibleng mauwi sa pagkalugi ng mga local meat producer.

May sapat aniyang suplay ang bansa kaya hindi na kailangan pang mag-import ng karne.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply