Importasyon ng baka sa US ‘di pa rin bawal — DA

HINDI pa rin bawal umangkat ng karneng baka sa Amerika kahit may report ng mad cow disease.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assec. for Livestock Dave Catbagan, iisang baka lang ang nagpostibo sa mad cow disease sa California.

Dumaraan umano sa mahigpit na pagsusuri ng United States authorities ang mga karneng baka bago ito dalhin sa merkado kaya ligtas kainin ang mga karneng baka nila.

Aniya, madaling malaman kung nakakain ng karneng may mad cow disease ang tao dahil nagkakaroon sila agad ng depresyon, minsa’y highly excited, madaling magalit at kapag grabe na at nag-progress pa ang sakit, meron itong uncoordinated movements na mistulang lasing na kapag naglalakad. Nahihirapan naman itong tumayo kapag nakaupo at hirap din umupo kapag nakatayo.

Aniya, kahit sa US ay walang mga ganyang sintomas ang mga tao kaya nakasisiguro siyang ligtas pa rin ang imported na baka.

Gayunman, para sa mga Batangueño, mas ligtas at mas masarap pa rin ang bakang galing sa kanilang lalawigan.

Anila, sariwang damo lamang ang kinakain ng mga bakang pinalaki sa Batangas kaya walang dahilan para magkaroon sila ng naturang sakit.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply