Inang may sayad nanakal ng 2-anyos anak

SINAKAL muna ng isang ginang na may diperensya sa pag-iisip ang kanyang 20-anyos anak bago ibinalot sa banig sa Quezon City kagabi, Sabado, Abril 7.

Nakaditine na sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) detention cell ang suspek na si Melanie Ala, 21, nakatakdang dalhin sa mental institution, hinalang nawala sa katinuan dahil sa labis na gutom.

Lumabas sa resulta ng awtopsiya na ang ikinamatay ng 2-anyos na bata ay dahil sa kawalan ng hangin sa baga dala ng pagkakasakal.

Napag-alamang naganap ang insidente alas 9:30 ng gabi nitong Sabado sa bahay ng kamag-anak ng mag-ina na si Edith Geralde, ng Tikling St., Barangay Commonwealth.

Bago ito, lumuwas ng Maynila mula sa Pampanga ang mag-ina para pansamantalang tumira sa bahay ni Geralde na nauna nang nakitaan ng pagkabalisa at tila nawawala sa sarili.

Nabuko lamang ang krimen nang hanapin ni Geralde ang biktima para pakainin na wala nang buhay habang nakabalot sa panig.

Sa presinto ay inamin ng suspek na sinakal niya ang anak para na rin sa kanyang kabutihan sa hinaharap at hindi na maghirap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply