Indirect contempt vs De Lima et al ibinasura

IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang reklamong indirect contempt laban kay Justice Secretary Leila de Lima at iba pa.

Ang kaso ay isinampa ni Datu Andal Ampatuan, Jr. laban kay de Lima at sa Department of Justice panel of prosecutors kaugnay ng kaso ng Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Batay sa 17-pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Angelita Gacutan, kinatigan ng 12th Division ng CA ang desisyon noong Nobyembre 22, 2010 ng Quezon City Regional Trial Court Branch 222 na nagbabasura sa special civil action for indirect contempt of court laban kay De Lima at sa mga dating miyembro ng DOJ panel of prosecutors.

Kabilang sa kinasuhan ay sina Assistant Deputy Prosecutor Richard Anthony Fadullon, Senior Assistant State Pros Leo Dacera II (deceased), Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, Irwin Maraya, Prosecuting Attorney Amanda Felipe, Mary Jane Sytat at Karla Cabal.

Ang mga nabanggit ay inakusahan ni Andal Ampatuan na guilty sa kasong indirect contempt matapos umanong isulong ang pagpapakulong sa anim na mga akusado sa kaso sa Camp Crame sa halip sa Bicutan Jail sa Taguig City na sina P/Insp. Michael Macaraeg, P/Insp. Rex Diongon, PO Rainier Ebus, PO1 Pia Kamidon at CVO members na sina Esmael Kanapia at Takpan Dilon.

Iginiit ni Ampatuan, na nilabag ni De lima at iba pa ang kautusan ng Korte Suprema at nang mababang hukuman na ilipat sa Bicutan ang mga akusado sa halip na sa PNP detention cell.

Ayon pa kay Ampatuan, pinanghimasukan ni De Lima at ng mga piskal ang proseso ng korte at tila sinira ang pagpapatupad ng katarungan para sa mga akusado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply