Indonesia nilindol ng magnitude 6.4

NILINDOL nang may magnitude 6.4 ang bahagi ng Sumatra island sa Indonesia.

Base sa pahayag ni Arif Nurahim, opisyal ng Meteorology and Geophysics Agency sa Indonesia, naitala ang epicenter ng pagyanig sa karagatan at wala namang ipinalabas na tsunami warning dahil maituturing pa itong moderate earthquake.

Wala ring naitalang sugatan o pinsala dahil dito.

Tumama ang lindol may 640 kilometrong layo sa Aceh province kung saan yumanig ang dalawang malakas na lindol noong nakaraang linggo.

Matatandaang itinaas ang tsunami alert noong Miyerkules makaraang yanigin ng magnitude 8.6 ang nasabing probinsya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply