Indonesia niyanig ng 8.9 magnitude na lindol

AGAD inilabas ng pamahalaan ng Indonesia ang tsunami warning makaraang tamaan ng 8.9 magnitude na lindol ang nasabing bansa ngayon lamang.

Sa pagtatala ng US Geological Survey, ang sentro ng pagyanig ay naitala 495 kilometro sa kabisera ng Aceh na Banda.

Inihayag naman ng Pacific Tsunami Warning Center na hindi pa nila matiyak kung nagkaroon kaagad ng tsunami kasunod ng malakas na pagyanig.

Itinaas ng Pacific Tsunami Warning Center ang tsunami watch sa Indonesia, India, Sri Lanka, Australia, Myanmar, Thailand, Maldives at iba pang Indian Ocean islands, Malaysia, Pakistan, Somalia, Oman, Iran, Bangladesh, Kenya, South Africa at Singapore.

Naramdaman din ang pagyanig sa Singapore, Thailand, Malaysia at India.

Samantala, agad namang pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangambang may apekto sa Pilipinas ang lindol sa Indonesia.

Anang PHIVOLCS Director Renato Solidum, bagama’t magkalapit lang ang Indonesia at Pilipinas ay hindi naman maaapektuhan ng malakas na pagyanig ang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply