Industriya ng itlog lalong paiigtingin

PAIIGTINGIN ng Batangas Egg Producers Association (BaEPA) ang industriya ng pag-iitlog bilang bahagi ng pagpapaunlad nito sa lalawigan.

Ang lalawigan ng Batangas ay kilala bilang “Egg Basket of the Philippines” dahilan sa malaking porsiyento ng mga itlog na ibinibenta sa merkado ay mula lalawigan lalo na sa bayan ng San Jose.

Dahil dito, nagsagawa ang asosasyon ng kauna-unahang egg recipe contest at ibinida ang pagluluto ng itlog. Nagbigay rin ng lecture ukol sa sustansiyang naibibigay ng itlog sa katawan ng tao.

Ayon kay Dr. Jesus Medina, presidente ng BaEPA, lahat ng mga miyembro ng samahan ay nakikibahagi sa ganitong aktibidad dahil nakapagbibigay sila ng kaalaman ukol sa nutrisyon ng itlog.

Hindi lamang ang mga mag-iitlog na mula sa lalawigan ng Batangas ang kanilang hinihikayat na sumuporta sa mga aktibidad na magtataas sa antas ng ganitong hanapbuhay kundi maging ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Quezon.

Ayon naman kay Governor Vilma Santos-Recto, nagagalak siya sa pagkakaroon ng ganitong aktibidad at pagiging aktibo ng naturang samahan.

Nangako rin ang opisyal na makikipagtulungan ang pamahalaang panlalawigan upang lalo pang maisaayos ang industriya na isa sa nagbibigay ng hanapabuhay at pagkakakitaan sa mga Batangueño.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply