Industriya ng niyog nanganganib sa peste

IKINAALARMA na ng ilang mambabatas ang posibleng malaking dagok sa na hatid sa industriya ng niyog ng patuloy na pamemeste ng mga insekto sa puno ng niyog sa Southern Luzon.

Upang maagapan, naghain ng House Resolution No. 2112 nina Reps. Angelo Palmones (Party-list, AGHAM) at Sonny Collantes (3rd District, Batangas) para manawagan sa House Committee on Agriculture and Food para magsagawa ng imbestigasyon sa pagkasira ng mga puno ng niyog para makagawa ng solusyon para rito.

Nangangamba rin si Palmones sa pagkalat ng mga insektong “aspidiotus destructor” na maaaring kumalat sa buong rehiyon.

Ani Palmones, may mga ulat na ang palm species tulad ng Palmera, Hawaiian Palm at Kaong ay sinisira na ng mga insekto, na maaaring maapektuhan ang ibang industriya base sa palm group of plants kasama na ang ornamental at landscape industry.

Sinabi ni Palmones na sinisipsip ng insekto ang nutrients at sap ng puno ng niyog dahilan para maging kulay brown ang mga dahon nito at tuluyang mamatay.

Tinukoy ng kongresista ang isang report na may mahigit 43,389 na puno ng niyog sa pitong munisipalidad at 41 na barangay sa Batangas ang naapektuhan na ng mga insekto.

Ang iba pang lugar ay sa lalawigan ng Laguna at Quezon.

Ang ilang lugar ng kabikulan hanggang sa Leyte at Samar ay kabilang sa mga lalawigan na maraming magsasaka ang umaasa sa produktong niyog gaya ng tuba at kopra.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply