Informal settlers isama sa plano ng pabahay

NANAWAGAN si Vice President Jejomar Binay sa mga housing developer at sa pamahalaan na isama ang mga informal settler o mas kilala sa tawag na ‘squatter’ sa pagababalangkas ng mga plano at patakaran hinggil sa pabahay sa isang komunidad.

Sa isang kalatas na ipinalabas ngayong araw, naniniwala si Binay na negatibo ang pananaw ng mga ‘decision-maker’ at ‘stakeholder’ sa mga ‘informal settler’ dahil sa paniniwalang ‘walang kakayahan ang mga ito na bayaran ang ipinatayong pabahay at maging ang pagpapaunlad sa mga serbisyong kaakibat tulad ng bayad sa kuryente at tubig.

“Kailangan nating bigyang dignidad silang mga kapos sa yaman. At dapat na sa pagbibigay nito, kabahagi sila mula pagplano hanggang pagsasagawa ng mga programa at proyektong laan para sa kanila, at hanggang pagtalaga ng mga responsableng taga-monitor ng progreso at pagtatapos ng programa at proyekto,” pahayag pa ni Binay sa ginanap ng na pagpupulong ng National Informal Settlements Upgrading Strategies (NISUS) sa Manila Hyatt Hotel.

Tinukoy pa ni Binay ang mga halimbawa ng mga matagumpay na aplikasyon ng informal settlement kaugnay sa mga taktika na nagpatunay sa epektibong pagpapatupad ng NISUS.

Ayon pa sa chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), kapag isinangkot ang komunidad sa pagtukoy, disenyo at pagpapatupad ng mga proyekto, matitiyak na magiging epektibong kabalikat ang mga informal settler sa pagpapaunlad ng isang pamayanan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply