Insidente ng karnaping nabawasan nitong Marso

NABAWASAN umano at bumaba ng halos 49.5 percent ang insidente ng karnaping sa bansa nitong nakalipas na buwan (Marso 2012) dahil na rin sa mas pinaigting na kampanya ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa pagtugis sa mga may pakana nito sa Metro Manila.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, kung pagbabasehan ang report ni PNP-HPG Director, P/Chief Supt. Leonardo Espina, lumilitaw na umabot lamang ng 53 ang naganap na carnapping nitong Marso kumpara sa 105 bilang ng insidente noong 2011 sa kaparehong panahon, na nabawasan ng 49.5 percent.

Sinabi pa ng Kalihim na malaki ang naitulong ng mga inilulunsad na checkpoints ng anti-carnapping units ng pulisya sa iba’t ibang daanan patungong mga pantalan.Tumutulong rin aniya sa operasyon ang iba’t ibang district anti-carnapping units sa Metro Manila katuwang ang HPG SMS Info Text na sinusubukan na.

Malaki rin aniya ang nagawang trabaho ng PNP-HPG noong Marso kung saan nadakip si Francis Humiding, na sangkot sa iba’t ibang kaso ng highway robbery at carnapping sa isang checkpoint sa kahabaan ng provincial road sa Ramon, Isabela. Gayundin ang pagkakahuli kay Alberta Lising na nasangkot din sa carnapping sa Rodriguez, Rizal matapos mahulihan ng nakaw na motorsiklo at picklocks.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply