Ipagbunyi ang pagbabago– Tagle

DAPAT ipagbunyi ang naganap na “coneversion” o pagbabago ngayong patapos na ang Semana Santa. Ito ang sinabi ni Manila Archbishop Luis Tagle.

Aniya, sa pagtatapos ng Semana Santa ay natuto na ang lahat at nakabangon mula sa mga nagawang kasalanan.

Dapat din aniyang isaisip sa tuwina na namatay si Hesus upang hugasan ang kasalanan ng sanlibutan.

“Jesus is raised from the dead. In His resurrection, we now know where human history finds its culmination—in sharing the very life of God. The resurrection is not a return to human earthly life, a life still subject to evil and destruction. The life that the Risen Christ now possesses is God’s very life. That is why He will not die again. Sin has no more power over Him,” bahagi ng Easter message ni Tagle.

Binigyang diin ng arsobispo na hindi kailanman magwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan.

Sinabi pa ni Tagle na ang Easter Sunday o ang Linggo ng Pagkabuhay ay dapat na maging daan upang suriin ng bawat isa ang kanilang mga buhay.

“Easter joy leads us to an examination of our individual and communal lives. From the tombs of hunger, ignorance, discrimination, insensitivity, selfishness, greed, and pride, let us allow God’s love to rise and be our life. Let it not be said that we chose death over God who is life.” wika ni Tagle.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply