Ipu-Ipo nanalasa sa Cotabato: 1 patay, 2 sugatan

ISA katao ang nasawi habang dalawa ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasugatan sa pagtama ng ipo-ipo sa Lake Sebu, South Cotabato.

Ayon sa report ng NDRRMC, maliban sa mga biktima, mahigit 15 pamilya rin ang naapektuhan dahil sa kalamidad.

Kinilala ng ahensya ang nasawi na si KC Dawang, 12, ng Sitio Lem-ehek sa Poblacion, Lake Sebu habang ang sugatan naman ay sina Imelda Swan of Sitio Lem-ehek sa Brgy. Poblacion ng Lake Sebu at Kayla Faith Tampungan, 4, ng Sitio Tabudtod sa Brgy. Lamdalag, Lake Sebu.

Kaugnay nito, mahigit 25 bahay din ang nasira ng buhawi sa Brgy. Polloc, Parang sa lalawigan ng Maguindanao.

Kaagad naman na nagpadala ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad ang mga lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Maguindanao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply