Isa pang suspek sa Ortega killing sumuko

ISA na namang suspek sa pagpatay kay Palawan-based environmentalist at broadcaster Gerry Ortega ang kasalukuyan ngayong nasa kostudiya ng awtoridad.

Ipinahayag ni Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn ang pagsuko ni Arturo Regalado ngayong umaga ng Huwebes, Abril 12.

Sumuko si Regalado makaraan ang pakikipag-usap nito sa mga city government special operations group kasama ang mga local police.

Si Regalado ay isa sa tinuturong kasama sa limang suspek sa pamamaslang kay Ortega na iniutos ng Puerto Princesa court na arestuhin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply