Isabel Oli pinagnakawan ng sariling kasambahay

PINAGNAKAWAN ng kanyang sariling katulong ang dalagang aktres na si Isabel Oli sa bahay nito sa Fairview, Quezon City, kagabi (Abril 15).

Ayon sa aktres, nadiskubre niyaang insidente kagabi nang umuwi siya sa kanyang bahay mula sa isang out-of-town shooting.

Nadatnan niyang bukas ang kanyang kuwarto at wala na roon ang kanyang hindi mabatid na halaga ng pera, dalawang mamahaling relos, dalawang cellphone at isang camera na umaabot sa halagang P100,000.

Kasama rin sa nawala, ang kanyang apat na buwang katulong na nakilalang si Lorna Baliba, 38-anyos na pinaniniwalaang nagkasa pagnanakaw at ngayon ay subject for manhunt ng Quezon City Police District-Fairview station.

Sa tantiya ni Oli, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-7:00 hanggang alas-8:00 nitong kagabi dahil nakita pa ang suspek ng kanilang kapitbahay na nurse na nagtatapon ng basura.

Ayon pa kay Oli, tinanggap niya si Baliba bilang katulong dahil nanilbihan na rin ito kay Angel Locsin pero ang pagkakamali lamang niya ay hindi niya ito nabanggit kay Angel.

Nang tawagan naman si Angel, laking gulat ni Oli nang sabihan siya nito na tirador ng mga artista si Baliba.

Nagpaalala naman si SP01 Jorel Viloria, na bago kumuha ng katulong ay hingan ang mga aplikante ng anumang identification card o police clearance para malaman nilang wala itong record sa pulisya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply