Isyung pagbibitiw pinabulaanan ng BOC chief

ITINANGGI ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang isyu na siya ay magbibitiw sa pwesto.

Ito ay kasunod nang lumabas na balita na magbibitiw sa pwesto si Biazon at papalitan ng isang dati ring opisyal ng kawanihan.

Ani Biazon, hindi totoo ang nasabing balita at posible aniyang pinalabas lamang ang balita ng ilang may interes sa kanyang pwesto.

Sinabi ni Biazon na kaya siya pinag-iinitan ngayon ay dahil sa kanyang mahigpit na pagpapatupad ng programa ng pinamumunuang tanggapan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply