Itatalagang kapalit ni Lee pinagpipilian na

NAMIMILI na si Pangulong Benigno Aquino III sa bagong itatalagang Philippine ambassador to China kapalit ni Domingo Lee.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Sec. Ricky Carandang, inaasahang sa darating na mga araw ay iaanunsyo na nila ang shortlist mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay matapos sumulat si Lee kay Pangulong Benigno  Aquino III para hilinging bawiin na ang kanyang appointment at magtalaga na lamang ng iba.

Batay sa sulat ni Lee sa Pangulo, masyado nang apektado ang kanyang pamilya sa hirap at bagal ng proseso sa kanyang appointment na makailang beses hinarang sa Commission on Appointments (CA).

“Doon sa sulat ni Ambassador Lee ‘no, dalawa ‘yung dahilan na binigay niya. ‘Yung una, dahil nga doon sa haba ng proseso noong confirmation at hindi tayo raw maka-afford ng sitwasyon na wala po tayong official ambassador habang may issue tayo ‘no. ‘Yon ‘yung una niyang binanggit na dahilan ‘no. Sinabi rin niya, it is not lost on me that the ongoing issues with China are putting much work, much of the diplomatic work on the shoulders of the President. And since hindi naman siya ma-appoint, he felt that the President would be better served if he could find someone that was more acceptable to the CA. So wala naman siyang binanggit, although there was an implication na may kinalaman ‘yung current issue, it’s not specifically related to Scarborough,” ayon kay Sec. Carandang.

Nangingibabaw din ang national interest sa kanyang desisyon dahil kailangan ang isang embahador sa gitna ng tensyon sa Scarborough Shoal.

Nagpapasalamat naman si Lee sa tiwalang ibinigay ng Pangulo bagama’t bigo siyang makuha ang kumpirmasyon ng CA.

Sa ulat, ang sulat ni Lee kay Pangulong Aquno ay may petsang Abril 12 subalit pormal na natanggap ng Office of the President noong Abril 17, 2012.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply