Itlog kinulimbat: 35-anyos utas sa bagets

PATAY ang 35-anyos na lalaki nang pagsusuntukin ng menor-de-edad na lalaki na kanyang kainuman matapos silang magtalo kaugnay sa kinulimbat na itlog ng una sa isang tindahan kaninang umaga sa Las Piñas City.

Inakala ng kasera ni Felix Bernal, 35, na nakatulog lamang ito sa labis na kalasingan nang ipasok sa kanyang inuupahang silid sa 2609 Malakas St., Brgy CAA subalit nang mag-iba na ang kulay ng lalaki ay isinugod na siya sa Las Piñas District Hospital subalit patay na nang idating.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Crisando Calatay ng Criminal Investigation Unit ng Las Piñas police, kinumbida ng biktima ang 17-anyos na binatilyong itinago sa pangalang Rey na makipag-inuman sa kanya, kasama ang dalawa pang sina Shimoto Sigwan, 19 at Reymund Custudio, 21 sa harap ng inuupahan niyang tirahan.

Nagpasama pa aniya si Bernal sa suspek nang bumili ng alak sa isang tindahan kung saan ibinulsa nito ang isang itlog subalit sinita at ipinasosoli sa kanya ng binatilyo na hindi naman ginawa ng namatay.

Habang nag-iinuman, kinagalitan at binatukan pa ni Bernal ang binatilyo dahil sa ginawang pagsita sa kanya nang ibulsa ang itlog na naging dahilan ng pagkakaroon nila ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pagsusuntukan.

Sinabi ng mga testigo sa pulisya na tatlong malalakas na suntok ang pinawalan ng binatilyo na naging dahilan upang bumagsak at bumagok ang ulo ni Bernal sa kanto ng papag na kanilang pinag-iinuman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply