James kayod-kalabaw sa laban sa Raptors

GUSTO ni Miami Heat star player LeBron James na magpahinga subalit kailangan niyang maglaro dahil nagpapagaling pa sa tinamong injuries sina Dwyane Wade at Chris Bosh.

Umarangkada si MVP candidate James ng 28 puntos, limang rebounds at apat na assists upang tustahin ang Toronto Raptors, 96-72 kaninang umaga sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

”It’s just how I am,” sabi ni James, ”When I go on the floor, if I’m in uniform, I’m trying to play at the highest level. If I’m in uniform, I don’t try to take minutes off or take games off when I can. … I just want to be the best.”

Tumulong din sa opensa sina Mike Miller at Udonis Haslem na may 13 at 10 points ayon sa pagkakasunod habang si starter Mario Chalmers ay tumikada ng nine points at si center Dexter Pittman ay nag-ambag ng walong puntos.

”I know the guys will be looking forward to it,” wika ni Heat coach Erik Spoelstra. ”We have a very competitive group.”

Dahil sa ipinakitang gilas ng Heat ay pinapurihan sila ng coach ng kabilang koponan.

”They play the right way,” ani Casey. ”They have the star power to do it. My hat’s off to Miami. They’re a great team. I’m going to enjoy watching them. I hope my guys were watching and learning and that they learned from tonight and how fast and how physical the game is for 48 minutes. Not 24 minutes – 48 minutes.”

Tangan ng Heat ang 44-17 win-loss kung saan ay nasa ikalawang puwesto sila ng Eastern Conference standing habang hawak ng Chicago Bulls ang top spot na may 47-15 panalo-talo baraha.

Susunod na makakaharap ng Heat ang Bulls.

Sa ibang resulta ng laro sa NBA, sinuwag ng Bulls ang Charlotte Bobcats, 100-68 habang nagwagi rin ang New York Knicks sa New Jersey Nets, 104-95.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply