James nag-showtime sa New Jersey

NAMANGHA halos lahat ng New Jersey Nets fans maging ang coach ay walang masabi sa ipinakitang laro ng pambatao ng Miami Heat na si LeBron James.

Mag-isang nilantakan ni James ang Nets matapos umiskor ng 17 puntos sa huling 4:48 minuto sa fourth canto.

”The guy’s just so big and strong. We attempted to double-team him twice, and he just overpowered our guys, and then when the third defender came, he beat the third defender; and then, when we fouled him, he still scored. So just an . you know. I’m at a loss for words. I don’t know what to say,” ani Nets coach Avery Johnson.

Tumapos ang NBA All-Star, James ng 37 puntos, pitong assists at anim na rebounds upang malusutan ng Heat ang Nets, 101-98 sa nagaganap na 201-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Naghabol ang Heat mula umpisa ng laro at sa huling 51 segundo sa fourth period ay naagaw na nila ang lamang, 97-96 matapos isalaksak ni James ang bola.

”We want to win every last game to close it out,” wika ni James. ”We don’t want to lose again the rest of the season. Ultimately we can to continue to get better.”

Nasa ibabaw ang Nets matapos ang third quarter, 79-70, iniskor muna ni Chris Bosh ang unang walong puntos ng Heat sa pagbubukas ng fourth period habang nasa bench si James.

Pag pasok ni James ay inumpisahan na niya ang pangangalabaw at isang putback layup ang tinikada nito para tapyasan ang lamang ng Nets sa 86-89 may 4:48 na lang sa
oras.

”We were able to grind away and not let it go mentally, and that guy, No. 6, he was pretty good going down the stretch,” masayang sabi ni Heat coach Erik Spoelstra.

”He was sensational. Obviously, he made every big play offensively. I believe it was 17 straight to close the game. That’s what an MVP does and we needed it at both ends. But also on a night like this, you can come up with a lot of excuses to not bring that type of performance, but that’s not the type of DNA he has inside of him.

The Nets played well but we found a way at the end.”

Nag-ambag si Bosh ng 22 markers, 15 boards at dalawang assists upang ilista ng Heat ang 43-17 win-loss card.

Naging taga palakpak naman ang isa sa Big 3s ng Miami na si Dwyane Wade na hindi nakapaglaro dahil sa kanyang injury.

”I enjoyed it,” saad ni Wade, resting his ankle while the Heat improved to 12-1 without him this season. ”I am a fan of the game, so I enjoyed it. He doesn’t get any credit for his scoring ability. I enjoy watching him take over a game like that.

It’s fun. Obviously being his teammate, it’s even funner.”

Si Kris Humphries ang nag top scorer para sa Nets na may binirang 29 points, walong rebounds at dalawang assists.

Sa ibang NBA resulta, nanaig ang Indiana Pacers sa Minnesota Timberwolves, 111-88 habang nilipad ng Atlanta Hawks ang 109-87 panalo kontra Toronto Raptors.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply